Ryan Bang at Hipon Girl, mag-on na?

Ryan Bang at Hipon Girl, mag-on na?

July 7, 2021 @ 5:45 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Sa unang pagkakataon pa lang daw ng kanilang pagkikita’y nahulog na ang loob ni Ryan Bang at Hipon Girl sa isa’t isa.

Si Ryan ang Koreanong co-host sa It’s Showtime at itinuturing na anak-anakan ni Vice Ganda.

Si Hipon Girl o Herlene Budol sa totoong buhay ay co-host naman ni Willie Revillame sa Wowowin.

Ang latest intriga, kaya raw wala si Hipon Girl sa nasabing programa’y dahil nabuntis siya ni Willie. Tinawag naman itong fake news ng TV host, na balak idulog sa NBI ang kaso para matunton ang nagpasimuno nito.

Para patunayang hindi siya buntis, panay ang rampa ni Hipon Girl.

Sa first meeting nila ni Ryan, nasambit nitong: “Hindi ka naman pangit, maganda ka.”

Halatang at ease ang dalawa sa isa’t isa. Ipinaabot pa nga ni Ryan ang panungumusta kay Willie.

Sinubukang i-video call ni Ryan ang ina na nasa Korea at ipinakilala si Hipon Girl. Dinig na dinig ang pabirong sigaw ng huli, “Hi mommy, he’s my boyfriend!”

Si Hipon Girl na kaya ang iuuwi ni Ryan sa Korea? Ronnie Carrasco III