Ryan Bang, nasita sa maling pagsuot ng face shield!

Ryan Bang, nasita sa maling pagsuot ng face shield!

June 1, 2021 @ 7:21 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Sa isang episode ng “It’s Showtime,” sinabi ni Ryan Bang na napakalaki ng utang na loob niya kay Meme Vice dahil ito ang itinuring niyang pamilya sa Pilipinas.

Ito raw ang madalas na takbuhan niya kapag may problema at mega generous din daw ito dahil minsan ay nagpapadala pa raw ito ng pagkain sa kanya.

Marami rin daw siyang natutunan kay Vice para mag-survive siya ng ilang taon sa bansa.

Katunayan, nang lumaganap ang Covid-19 at sumailalim ang maraming bahagi ng kapuluan sa lockdown, natakot daw talaga siya dahil nag-iisa lang siya sa bansa.

Isa raw ang Unkabogable Star sa nagpalakas ng loob niya.

Sa nasabing show, pabirong sinabi naman ni Vice na tinawagan daw siya ni Maám Cory Vidanes dahil nasita raw si Ryan ng guard dahil sa hindi tamang pagsusuot ng face shield nito.

Mula kasi ng magka-pandemya at i-resume ang kanilang taping, si Vice na ang tumayong bangka o spokesman para sa kanilang grupo.

Sa kanya namang vlog, inamin ni Ryan na handa umano siyang i-give up ang lahat ng meron siya pati na ang negosyong naipundar niya sa Pinas para magkabalikan lang ang kanyang mga magulang.

Parehas din umanong single ang kanyang mga magulang kaya umaasa pa siyang muli silang mabubuo.

Dagdag pa niya, kapag umuuwi umano siya sa Korea, ang kanyang hinihiling ay makasalo ang kanyang Mommy at Daddy kahit sa pananghalian lang.

Marami naman ang naantig sa ginawa ni Ryan na pag-sponsor para sa magiging bakasyon ng kanyang staff at ng asawa nito.

Magandang pagkakataon daw ito para makapag-ayos na umano sila para sa kapakanan ng anak nila dahil alam niya umano ang pakiramdam ng anak na hiwalay ang mga magulang. Archie Liao