S.A.F.E. NCRPO APP ALERT INILUNSAD, UNA ANG BARANGAY

S.A.F.E. NCRPO APP ALERT INILUNSAD, UNA ANG BARANGAY

January 17, 2023 @ 1:29 PM 2 weeks ago


BILANG paniniguro na magiging higit pang mabilis ang pagrereport at pagresponde ng mga pulis laban sa krimen, inilunsad ng National Capital Region Police Office ang S.A.F.E NCRPO APP Alert kahapon sa Hinirang Hall sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Ayon kay PMGen. Jonnel Estomo, regional director ng NCRPO, sa isang pindot lang ng daliri sa keypad ng cellular o mobile phone, tiyak na makararating agad o maiaalerto kaagad ang pinakamalapit na pulis na nagpapatrulya sa kanilang nasasakupan.

Gayunman, ipinaliwanag ni Estomo na sa ngayon, uunahin muna na maikonekta sa server ang mga barangay sa Metro Manila at kailangang mairehistro at ma-activate muna.

Ipinaliwanag pa ng mahusay na regional director na ang alert app ay imomonitor ng Tactical Operation Center ng NCRPO.

Kapag maayos na sa barangay, isusunod ang mga paaralan, hospital, simbahan at mga lugar pangkasiyahan Kasunod na nito ang mga indibidwal na sa panahong halos ayos na ayos na ang takbo ng S.A.F.E. app ay nakarehistro na rin ang halos lahat ng SIM.

Wala nang maglalakas loob na manloko o kaya naman ay susubok kung talagang epektibo ang app na pinaghirapan ni P/LtCol. Mark Foncardas, project manager ng nasabing app.

Layon ng proyekto ni Gen. Estomo na mas lalo pang maging ligtas ang mga tao sa Metro Manila maging sila man ay residente o nagtratrabaho, bumibisita o negosyante at kahit anoman ang sadya nila sa lugar na pinamumuan ng responsableng heneral.

Pinasinayaan ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang paglulunsad ng proyekto kung saan maging ang ilang alkalde hindi lang sa Metro Manila ay dumalo subalit maging sa ibang lugar ng Pinas.

Dahil andyan si SILG, tiyak na ikakalat ito sa iba’t ibang bahagi bansa upang ng pangarap ni Estomo na ang M.M. ay maging “safe residential and commercial place to live in” ay maging sa buong Pinas na.