S.A.F.E PROGRAM NI ‘ESTO’ PATOK SA EPD

S.A.F.E PROGRAM NI ‘ESTO’ PATOK SA EPD

February 4, 2023 @ 1:54 AM 2 months ago


Sa unang ratsada’y matamlay ang pagtanggap ng madlang pipol sa Metro Manila pero sa kalauna’y naging matagumpay ang S.A.F.E program ni PMGen. Jonnel Estomo, director ng National Capital Region Police.

Ang S.A.F.E (Seen, Appreciated and Felt by the people through Extra-ordinary actions) ay brainchild ni Estomo pag-upo pa lang nito bilang hepe ng NCRPO.

Ito’y isang anti-criminality program na ang layon ay matahimik na kapaligiran para matiyak ang seguridad, kaligtasan ng mga residente ng 16 na lungsod at isang bayan sa NCR.

Kung pagbabasehan ang bagsak na crime activities, walang dudang ang S.A.F.E ay ‘on the right direction’ kaya hindi nagkamali si ‘Esto’ (tawag sa kanya) sa pagsusulong nito sa Kamaynilaan.

Sa limang police districts, ramdam ang tagumpay ng programa lalo na sa Eastern Police District – marahil ay dahil sa maigting na pagsasakatuparan ng anti-crime project na ito.

Sa Crime Incident Reporting and Analysis System ng Philippine National Police, ang EPD ang unang distrito sa Metro Manila na nakapagtala ng mababang insidente ng kriminalidad mula nang ilunsad ang S.A.F.E.

Oktobre noong nakaraang taon nang makapagtala rin ng 84 % crime solution efficiency at 93% crime clearance efficiency ang Epd na pinamumunuan ni PBGeen. Wilson Asueta.

Noong Nobyembre, ang EPD na sumasakop sa Marikina, Pasig, San Juan at Mandaluyong ay nakapagtala ng ‘zero’ shooting incident na nagdala ng ngiti sa mga labi ni ‘Esto’.

Pero hindi naman kuwento lang ang magandang nangyayaring ito sa EPD dahil kasunod ng kanilang matatawag na ‘legacy achievement’ ay award ang naging sukli mula sa NCRPO director.

Patok ang S.A.F.E sa EPD.

Congrats General Asueta, isang abogado at miyembro ng PNP Academy Class ’95 at PCol. Jessie Tamayao, miyembro ng PNPA Class ’96 at buong pwersa ng EPD.