S.Africa virus strain nagbibigay proteksyon vs iba pang variants – ekspert

S.Africa virus strain nagbibigay proteksyon vs iba pang variants – ekspert

March 4, 2021 @ 7:33 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

US – Napag-alamang nagbibigay proteksyon ang South African variant laban sa iba pang variants ayon sa mga isang pag-aaral.

Ayon sa mga mananaliksik mula sa South Africa sa unang resulta ng pag-aaral na ang 501Y.V2 ay pinoprotektahan ang isang indibidwal sa iba pang variant.

Lahad ng mga ito na mula sa plasma ng mga pasyenteng naimpeksyon ng nasabing variant ay natuklasang mayroon itong “good neutralizing activity” na magiging proteksyon laban sa iba pang variant.

Sinuri rin ito laban sa Brazillian variant kung saan “results are showing a clear sense of direction,” ayon kay virologist Tulio de Oliveira.

Ayon naman kay Health Minister Zweli Mkhize na ang pagkakatuklas nito ay “good news for all” kung saan maaaring makontrol ang pagkalat ng virus.

Samantala, ilang gumagawa ng bakuna kontra COVID-19 na ang nag-aaral para sa mga bagong strain. Mula sa ulat ng Agence France-Presse


  •  
  •  
  •