S. China Sea dispute, dapat lutasin ng Asia-Pacific countries – PBBM

S. China Sea dispute, dapat lutasin ng Asia-Pacific countries – PBBM

January 14, 2023 @ 2:24 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat resolbahin ng mga miyembro ng Asia-Pacific Region at hindi ng kung sino man ang tunggalian sa South China Sea.

Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang bumalik sa Cold War formula.

Ipinahayag ito ng Pangulo habang ang Pilipinas at China ay nagpapatuloy na inaayos ang ‘differences’ kaugnay sa pinagtatalunang katubigan.

Sa naging panayam ng China’s state-run CGTN, sinabi ng Chief Executive na ang kinabukasan o hinaharap ng Asia-Pacific Region “must be decided by the Asia-Pacific Region.”

“In two previous administrations, the Americans offered to be the third party between China and the Philippines. I said that’s not going to succeed because you are a party of interest,” ayon kay Pangulong Marcos.

“It has to be between the Philippines and China. It can involve ASEAN because ASEAN [countries] are claimants. But it has to be someone from the region which has an interest in Asia-Pacific,” aniya pa rin.

“I think that statement has now evolved into the thinking that the Asia-Pacific region must be decided by the Asia-Pacific Region, not anyone else,” diing pahayag nito.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay mayroong straightforward foreign policy gaya ng “to be friends with all and an enemy to none– ” sentimyento na binigyang diin sa kanyang naging talumpati sa United Nations General Assembly sa New York noong Setyembre ng nakaraang taon.

“The Philippines has a very simple foreign policy. It’s a foreign policy that commits itself to peace– that is guided by the national interest,” ayon sa Pangulo.

“That national interest dictates that we will not allow ourselves to be drawn back to the old Cold Ward formula where one has to take sides. The only side I’m on is the Philippine side. Very simple. I think that is a good guide,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose