S. China Sea tatalakayin nina Marcos, Yacob – Malakanyang

S. China Sea tatalakayin nina Marcos, Yacob – Malakanyang

September 7, 2022 @ 1:35 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Magpapalitan ng pananaw sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at  Singaporean President Halimah Yacob ukol sa  South China Sea.

Sa press conference, sinabi ni  Press Secretary Trixie Cruz-Angele na tatalakayin ng dalawang lider  sa bilateral meeeting ang regional at global issues.

“May exchange of views on regional and global issues, Myanmar and ASEAN centrality, the Ukraine and the South China Sea,” ayon kay Cruz-Angeles.

“Mayroon ding pag-uusapan tungkol sa socio-cultural and people-to-people exchanges. Pangunahin na dito ang two-way tourism in the post-pandemic era. Ang Singapore ang Philippines’ top source of tourists from ASEAN in 2019,” dagdag na pahayag nito.

Hindi naman nagbigay pa ng detalye si Cruz-Angeles ukol sa magiging pag-uusap ng dalawang lider.

Ang iba pang paksa na pag-uusapan ay ang  political at security cooperation, bilateral mechanisms sa informal consultations ng Pilipinas at Singapore, active military dialogues at intelligence exchanges, law enforcement, maritime cooperation, at training assistance.

Dumating si Pangulong Marcos sa  Singapore, araw ng Martes, para sa two-day state visit nito.

Umaasa naman aniya ang Pilipinas na ang pag-hire ng karagdagang Filipino healthcare workers sa Singapore ay maipatutupad sa lalong madaling panahon.

“Ngayon ang usapan, we’re hoping to implement it as soon as possible kasi kinilala ng Singapore dito ‘yung tulong ng ating Filipino healthcare workers dito sa pandemya so since di pa actually tapos ‘yung pandemic, we expect that they will be hired well in the earliest possible time,” ayon kay Cruz- Angeles. Kris Jose