Sa 6 buwan, higit 50K kaso ng dengue – naitala

Sa 6 buwan, higit 50K kaso ng dengue – naitala

July 30, 2018 @ 6:25 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nakapagtala na ng mahigit 50 libong kaso ng dengue ang Department of Health (DOH) sa unang anim na buwan ng 2018.

Ayon sa DOH, umbot na sa 53,039 na kaso ng dengue na ang naitala simula Enero hanggang Hulyo 7 ngayong taon.

Ito ay 87 porsyento na mas mababa sa naitala ng kagawaran sa kaparehong mga buwan sa nagdaang taon.

Karamihan pa rin sa mga ito ay mga kabataang nasa edad 10 hanggang 14.

Samantala, nasa 289 naman ang naitalang nasawi dahil sa Dengue.

Dahil dito, patuloy ang ginagawang advocacy activity ng DOH kontra Dengue at iba pang sakit na nakukuha tuwing tagulan, kung saan nag-iikot-ikot na sa mga paaralan sa buong bansa ang mga tauhan ng DOH para sa campaign drive. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)