Sa draft ng Federal Constitution – Senado, walang kapangyarihan sa impeachment hearing

Sa draft ng Federal Constitution – Senado, walang kapangyarihan sa impeachment hearing

July 11, 2018 @ 2:09 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Mawawalan ng karapatan ang senado na mag-impeach ng mga opisyal sa ilalim ng draft ng ipapanukalang federal constitution.

Ito ay para maiwasan pamomolitika ng naturang proseso.

Bubuuin ng siyam na judge na pipiliin ng Pangulo, ng Supreme Court at ng Kongreso ang ‘Constitutional Court’ na siyang hahawak ng mga pagdinig sa impeachment case.

Ayon sa tagapagsalita ng Consultative Committee na si Ding Generoso, ‘you now have three appointing authorities. There is not one single individual who will have influence over the courts.’
Ang federal Constitutional Court ay isa lamang sa apat na mataas na tribunal kabilang ang Federal Supreme Court, Federal Administrative Court, at Federal Electoral Court.

Sa ngayon ay may tatlo nang opisyal ang dumaan sa impeachment sa kasaysayan ng bansa: Si dating President Joseph Estrada noong 2001; si Chief Justice Renato Corona noong 2012 at ang huli ay si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pinatalsik ng mga kasamahan nito sa Korte Suprema nitong May 2018. (Remate News Team)