Sa gitna ng bushfires: 300 Pinoy, ililikas sa Australia – PHL Embassy

Sa gitna ng bushfires: 300 Pinoy, ililikas sa Australia – PHL Embassy

January 6, 2020 @ 7:57 AM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Australia – Kumpirmadong kailangang ilikas ang nasa 300 Pinoy sa East Gippsland sa Victoria, Australia dahil sa patuloy na bushfires sa lugar, ayon sa Philippine Embassy sa Canberra.

Base kay Aian Caringal, First Secretary at Consul General ng Philippine Embassy in Canberra, nakikipag-ugnayan na ang Philippine officials sa local Australian officials para sa isasagawang paglilikas.

“The 300 Filipinos are already being attended to by the local government and have been given temporary housing and been given emergency relief,” ani Caringal sa isang panayam.

Sa ulat, 24 indibidwal na ang nasawi at wala namang napabilang na Pinoy. 

Giit ni Caringal, handa ang Philippine embassy sa pagpapauwi ng mga Pinoy workers sa Australia kaugnay sa nagaganap na kalamidad. 

“If there would be any request, we are ready to attend to the request and repatriate our kababayan workers as soon as possible.”

Sa datos, sinabi ni Caringal na may 300,000 Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa Australia. Remate News Team|FGDC


  •  
  •  
  •