Sa gitna ng nabalam na nat’l ID distribution, ilang Pinoy nakatanggap ng 2 ID

Sa gitna ng nabalam na nat’l ID distribution, ilang Pinoy nakatanggap ng 2 ID

October 25, 2022 @ 9:59 AM 1 month ago


MANILA, Philippiens – Habang naghihintay ang milyong Pinoy para sa kanilang PhilID, o National ID cards na mai-deliver sa kanilang bahay, may ilan naman ang nagrereklamo sa printout ng ePhilIDs, habang ang ilan naman ang nakatanggap ng dalawa o higit pang cards.

Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na “as of last week”, 74.2 milyong Filipino ang nagpa-rehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys), na may 22.5 milyong cards naman ang naipadala na.

Sinasabing 22.5 milyong PhilID cards ang naipadala na sa Philippine Postal Corporation (PhilPost), 17.6 milyon o 78.2% ang nai-deliver sa mga registrants sa buong Pilipinas” as of Oct. 14.”

Ang PhilID, pangunahing sangkap ng PhilSys, ay nagpahayag na sa loob ng anim na buwan ay maide-deliver nito ang nasabing cards subalit sa kasalukuyan, dahil sa hirap na mag- produce ng PVC cards, nagdesisyon ang PSA na magpalabas ng printable version.

Kaugnay nito, sinabi naman ni national statistician at civil registrar general Dennis Mapa na ang printed ePhilIDs ay ipalalabas sa PhilSys registration centers, subalit binigyang-diin na ang mga Filipino na nagparehistro ay makatatanggap ng kanilang PVC cards kahit pa nakatanggap na ang mga ito ng kanilang printout ePhilIDs.

Paliwanag pa ni Mapa, mayroon aniyang delay sa printing ng PVC PhilID cards dahil hindi inaasahan ng PSA ang mataas na volume of registrants.

Mayroong 74.2 milyon ang kumatawan sa 98.7% ng mga Filipino na ang edad ay may 15 taong gulang pataas.

Samantala, naiulat naman ang ilang insidente kung saan dalawang ID ang natanggap ng isang residente. Nang ipagbigay-alam ito sa kinauukulan, inatasan umano siya na ibalik ang sobrang ID sa local PhilPost office. RNT