Magpet, North Cotabato – Isang umanoy lider ng komunistang grupong New People’s Army (NPA) ang pinasok sa bahay at pinagbabaril sa bayan ng Magpet, North Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Dominador Favian, 47, residente ng Sitio Bialong, Barangay Binay.
Sinabi ni Police Chief Inspector Jose Molina, hepe ng Magpet municipal police station, nasa sampung armadong kalalakihan ang umanoy pumasok sa loob ng bahay at pinagbabaril ang biktima.
Nangyari ang paglikida sa harap pa mismo ng asawa at anak at sa kabila ng pagmamakaawa ng biktima.
Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa lider ng NPA. (Jeff Gallos)