Sa isyu ng pagbubuntis, Janice, ayaw i-judge si Inah!

Sa isyu ng pagbubuntis, Janice, ayaw i-judge si Inah!

September 23, 2022 @ 12:30 PM 6 days ago


Manila, Philippines – Dedma lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang si Inah de Belen ng kasintahan nitong si Jake Vargas. Hindi na raw nagulat si Janice sa tsismis sa kanyang panganay dahil pinagdaanan din niya ito noon.

“Ako rin naman, natsismis dati na nabuntis, bago ako nagbuntis, ‘di ba?” sabi ni Janice sa interview sa kanya ng Pep.ph.

“Itong isyung pagbubuntis ay mahirap itago sa panahon ngayon dahil sa social media.

“Wala naman. Parang wala naman. Kung mangyari yun, e, di magkakaroon lang uli ako ng apo.

“Kung magbuntins man siya ngayon, she’s 30. She’s at that age, whatever choices she makes, kanya na yun.

“Basta kaya niyang panindigan. Again, babalik ako sa hope and pray that I raised my child right.”

Hindi raw isyu sa kanila sakaling mangyari ito kay Inah dahil nasa tamang edad na nga ito.

Wala raw karapatan si Janice na i-judge ang kanyang anak dahil siya nga raw ay 18 years old pa lang nang nabuntis.

“Wala akong ini-impose na dapat nilang gawin sa buhay. Wala akong ganu’n.

“Kasi, I cannot be quick to judge. Kasi, 18 po, buntis ako, wala naman akong asawa ‘di ba? Tapos, nahiwalay pa ako. Nagbuntis uli ako.

“Talaga? Ako pa ba ang magiging judgmental sa ganyan, ‘di ba?

“Kung magbuntis man siya ngayon, trenta na siya, 18 lang ako noon,” napapangiting sabi pa ni Janice. Rommel Placente