Sa kabila ng aksidente sa eroplano BONG GO, DETERMINADO SA PAGTULONG

Sa kabila ng aksidente sa eroplano BONG GO, DETERMINADO SA PAGTULONG

January 18, 2023 @ 4:41 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Determinado talaga si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang pangako na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan kahit pa halos magbuwis siya ng buhay.

Nakatakda sanang bumisita si Go sa lalawigan ng Northern Samar para personal na pangunahan ang serye ng relief operations sa mga naghihirap na residente ng Mapanas, Lavesarez, at Catarman.

Ngunit dahil sa problema sa makina ng sinakyang eroplano, napilitan ang senador na i-abort ang kanyang paglipad.

“At 10:00 a.m. today, our plane had to abort the flight at NAIA after developing a mechanical issue in one of its engines. Despite best efforts to secure alternative flights, with much regret, we cannot push through with my personal visit. The safety of everyone on board is also paramount.
However, we made sure that the scheduled activities, particularly the distribution of much-needed assistance to the affected families, be conducted without delay. My staff had been on the ground in Northern Samar for several days already, assisting local authorities to address the needs of the victims,” pahayag ni Go.

“Salamat sa Diyos na ligtas naman kami at walang gaanong aberya ang idinulot sa ating paliparan sa nangyari. I commend the MIAA personnel for the swift recovery action to minimize adverse impacts on other flight operations and the plane crew for ensuring our safety,” anang senador.

Ipinagpatuloy ng outreach team ng senador ang aktibidad sa pamamahagi bilang bahagi ng kanyang determinasyong tumulong sa pag-angat ng buhay ng mga Pilipino sa mga sitwasyon ng krisis.

Idinaos sa municipal gymnasium, ang mga tauhan ni Go ay namahagi ng relief items, tulad ng grocery packs, pagkain, mask, bitamina, kamiseta, at payong sa 500 mahihirap na residente.

Namigay din sila ng mga bisikleta, cellular phone, sapatos, relo, at bola para sa basketball at volleyball.

Nagpaabot din ng tulong pinansyal ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development.

Binigyan ng pagkilala ng senador ang mga lokal na opisyal na patuloy na naglilingkod sa diwa ng bayanihan sa kabila ng masamang panahon, kabilang sina Northern Samar Governor Edwin Ongchuan, Congressmen Harris Christopher Ongchuan at Paul Daza, Mapanas Mayor Ronn Tejano at Vice Mayor Raquel Capoquian, at iba pa.

“Nais ko pong humingi ng pasensya sa ating mga kababayan diyan sa Mapanas. Alam ko pong naghintay kayo, kahit ako ay nais ninyong makita. Kaya naman sa abot ng aking makakaya ay sisiguraduhin kong mabisita ulit kayo,” ani Go.

Ipinaabot nina Gobernador Ongchuan, Congressmen Ongchuan at Daza ang kanilang pagpapahalaga sa kahandaang tumulong at habag ng senador sa mamamayan ng Northern Samar.

Tiniyak nilang patuloy nilang susuportahan ang mga pagsisikap ni Senator Go na tumulong at magbigay ng komportableng buhay para sa mamamayang Pilipino. RNT