Sa kabila ng breakup rumors: Carla at Tom, nagparamdam sa socmed

Sa kabila ng breakup rumors: Carla at Tom, nagparamdam sa socmed

February 4, 2022 @ 8:04 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Sa kanila ng pananahimik nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa kanilang breakup issue ay pareho at sabay silang nagparamdam sa socmed pra sa kanilang pet dog na nag-celebrate ng 9th birthday.

Nu’ng Thursday, nag-share si Carla ng Instagram story na pic ng kanilang alagang aso hiding under a pillow.

“Happy 9th birthday, my baby. Mommy loves you so much,” sabi ni Carla.

Just like Carla, nag-share din si Tom ng pic ng kanilang pet dressed up in a striped outfit na may cake shaped paw sa harapan.

“Happy 9th birthday, my baby girl! I love you so much!” sabi ni Tom.

Nagsimula ang tsismis ng kanilang breakup nang na-discover ng nga netizens na nag-unfollow sina Tom at Carla sa kanilang Instagram. Later on, nag-follow din sila sa isa’t-isa. Joey Sarmiento