Sa kabila ng P6.7B pondo, Free Wi-Fi Program ng gobyerno, bagsak sa COA

Sa kabila ng P6.7B pondo, Free Wi-Fi Program ng gobyerno, bagsak sa COA

January 12, 2021 @ 8:36 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sa kabila nang paglaan ng P6.7 billion pondo, bagsak ang Free Wi-FI Program ng gobyerno sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ayon sa Commission on Audit (COA) report.

Nakakuha lamang ng 15% accomplishment ang nasabing proyekto na umanoy pinupukol ng mga iregularidad, ayon pa sa COA.

Sa 2019 COA annual audit report ng DICT na inilabas noong December, 2020 nakasaad dito na nakatanggap ang DICT ng P398 million mula sa Department of Science and Technology “based on invalid obligation.”

Dagdag pa rito na may “disbursement of public funds” na konektado sa pagpapalabas ng P10 million sa operating expenses na kinuha mula sa DOST funds  noong 2015.

“Moreover, the P489,566.00 expended for kick-off meetings is deemed unnecessary while the use of the funds to pay performance security refunds for other projects in the total amount of P403,689.35 is deemed irregular,” ayon pa sa report ng COA,

Dahil dito, iniatas ng COA ang pagpapatigil sa pagpayad sa mga ginastos kaugnay sa proyekto at iniatas sa DICT na ibalik ang hindi nagamit na pondo sa DOST-PAGASA.

Sa kampo naman ng opisyal ng DICT, pinanindigan nito ang pagkakatanggap sa P398 million kung saan iginiit na may “due diligence” na ginawa at nagpaabiso sila sa Department of Budget Management sa tamang paggamit ng  trust fund.

Dagdag pa nila na ang kick-off meetings ay naglayong makatulong sa “achieve proper implementation of the project.”

“The Free Wi-FI Program of the DICT had activated 3,251 or a mere 15 percent of the target 22,034 public Wi-Fi hotspots as at 31 December 2019 despite the provision of a total amount of P6,702,835,6612.39, thereby resulting in the non-activation of 18,783 public Wi-Fi hotspots, which substantially delayed the full realization of the intended benefit by providing free Wi-Fi access to the public,” saad sa COA.

Dagdag pa rito: “Moreover, the extension of procurement contracts with various suppliers were not compliant with certain stipulations of the contracts as well as pertinent provisions of the Revised IRR of RA 9184  (Government Procurement Act) and the Government Procurement Policy Board (GPPB) issuances.”

Ang DICT ang tanging ahensya ng gobyerno na inatasan sa pagpapatupad ng  Free Wi-FI Internet Access sa Public Places Program o ”Pipol Konek.”

Limang taon nang tumatakbo ang proyekto nang isinagawa ng COA ang report.

Sa pagrebyu ng COA nakita ang mababang antas ng implementasyon ng procurement projects ng DICT.

Sa audit, nakita na 22 sa 30 kontratang pinasok ng DICT sa iba’t ibang suplayer sa pagbili ng communication links ay “either partially implemented/terminated, suspended or not yet implemented.”

Ayon pa sa COA na dawala lang sa 86 procurement contracts ang full operational sa pagtatapos ng 2019, na nagsasaad ng “very low rate of implementation.”

 “Overall, there was a very slow implementation of the Free Wi-FI Program either through procurement contracts, engagement of the PITC and partnership with the UNDP,” ayon sa audit  report.

Dagdag pa rito na: ”With this condition, the intended result of the Philippine Digital Strategy was not attained which ultimately delayed the realization of the intended benefit of providing Wi-Fi access to the public.” RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...