Sa laki ng puhunan, “Magikland,” mahihirapang makabawi!

Sa laki ng puhunan, “Magikland,” mahihirapang makabawi!

December 23, 2020 @ 12:01 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Tinatayang umabot sa P200 million ang production cost ng pelikulang “Magikland” na isa sa sampung kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Idinirek ito nina Lore Reyes, Christian Acuna at ng yumaong Peque Gallaga. Prodyus ito ni dating Congressman Albee Benitez.

Nag-alinlangan noon si Benitez na ipasok ang pelikula sa festival dahil baka hindi mabawi ang kanyang puhunan lalo’t ang MMFF ay hindi na tulad ng dati na ang mga pelikula’y ipinapalabas sa mga sinehan. Sanhi kasi ng pandemya ay online na lang mapapanood ang mga ito.

Pero kagyat daw na pinigilan si Benitez ng pamunuan ng MMFF dahil may tatlo nang nag-back out.

Sayang din daw kung hindi lalahok ang pelikula na sa stage pa lang daw ng script submission ay umani na ng pinakamataas na puntos.

Marami ang nagsasabi na pulido ang pagkakagawa ng pelikula. Sina Gallaga at Reyes ay marami nang naidirek na pelikulang magkasama. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •  

Loading...