Sa mga tagasuporta: Perang pambili ng tarpaulin, ibili ng pagkain ng mga mahihirap- SAP Bong

Sa mga tagasuporta: Perang pambili ng tarpaulin, ibili ng pagkain ng mga mahihirap- SAP Bong

June 21, 2018 @ 7:09 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa halip na magpagawa ng mga tarpaulin ay gamitin na lang ang pera sa pagtulong sa mga mahihirap.

Ang pakiusap ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go sa kanyang mga tagasuporta at mga nagtutulak sa kanya na kumandidato sa pagkasenador na ibili na lamang ng pagkain at tulungan na lamang ang mga biktima ng sunog sa pamamagitan ng pagbili ng plywood at iba pang materyal sa pagpapagawa ng bahay ng mga ito.

Nauna rito, walang alam si Go sa ginagawang pagpapakalat ng kanyang mga tagasuporta ng tarpaulin kung saan nakalagay ang kanyang mukha at pangalan.

Aniya, sino ba naman ang hindi matutuwa na patuloy ang suporta sa kanya kasabay ng pagdami pa ng mga naniniwala sa kanyang kakayanan pero mas mahalaga aniya sa ngayon ang pagsisilbi sa bayan na bahagi ng kanyang trabaho sa Malakanyang.

Hindi din aniya matutumbasan ng pasasalamat lang ang ginagawa ng mga ito sa kanya.

Aminado din si Go na hindi naman talaga siya kilala ng mga mamamayan lalo na sa mga liblib na lugar dahil palagi lang naman siya sa likod ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sadyang hindi naman talaga siya pulitiko. (Kris Jose)