Sa pag-alis ng bagyong ‘Gardo’, habagat, magdadala pa rin ng pag-ulan

Sa pag-alis ng bagyong ‘Gardo’, habagat, magdadala pa rin ng pag-ulan

July 11, 2018 @ 10:21 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Asahan ang patuloy na pag-ulan na hatid ng ‘habagat’ or southwest monsoon sa Western Visayas at sa malaking bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules (July 11) habang papaalis ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Gardo’.

Ang bagyong ‘Gardo’ na may international name na Maria ay huling namataan, alas-3 ng umaga, sa 650 kilometers hilagang bahagi ng Luzon na may dalang hangin na 160 kilometers per hour at bugso na 195 kph sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang bagyo ay patungo sa Taiwan kung saan libo-libo ng residente ang nagsilikas.

Magdudulot nang malakas  pag-ulan ang habagat sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Palawan, Romblon, at Western Visayas, sabi ni PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz.

Makararanas naman ng panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, ARMM, Pangasinan, Marinduque, at ang natitirang bahagi ng Central Luzon at Calabarzon dahil sa habagat.

Magkakaroon naman ng maulap na kalangitan ang iba pang bahagi ng bansa. (Remate News Team)