Sa pagdating ng inangkat na kalakal, presyo ng sibuyas patuloy na bumababa

Sa pagdating ng inangkat na kalakal, presyo ng sibuyas patuloy na bumababa

January 28, 2023 @ 9:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patuloy na bumababa ang umiiral na retail price ng sibuyas.

Ito’y bunsod na rin ng pagdating sa tamang iskedyul ng nasabing kalakal.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo (price watch), ang pinakamababang presyo ay naitala para sa  local white onions na mabibili sa P170 per kilogram, ang pinakamataas na presyo naman nito ay P300/kg.

Ang imported white onions naman ay mabibili sa  halagang P250/kg to P260/kg, mas mataas sa local white onions.

Sa naging pagtataya ng DA, ang pagdating sa bansa ng malaking bilang ng sibuyas ay makatutulong sa pagbaba sa  market price.

Ang umiiral na price range ng  local red onions ay P240/kg hanggang P350/kg, mas mataas sa  price range ng  imported red onions na nakatakdang mabili sa halagang P200/kg hanggang P250/kg.

Gayunman, kinumpirma ng  Bureau of Plant Industry (BPI) na ang  imported red onions ay makikitang mas malaki kumpara sa locally produced red onions sa kabila ng mabibili ito sa mas mababang halaga.

Sa kabilang dako, sinabi ni  DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na tinitingnan nilang ibalik ang presyo sa peak harvest levels.

“Ang pinakamababa po na presyo ay umabot sa mga P67 or a little less than P70 per kilo. So, ’yun po ang tinitingnan natin ngayon kung paano natin maibabalik ang ganung presyo. Although ito po ay presyo sa panahon na talagang peak of their harvest,” ayon kay Evangelista.

Upang makamit ito,  kailangan na magkaroon ng pakikipag-usap sa ibang layers sa buong value chain. Kris Jose