Sa pagpanaw ni PNoy: PRRD may mensahe sa mga Filipino

Sa pagpanaw ni PNoy: PRRD may mensahe sa mga Filipino

June 24, 2021 @ 8:00 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – “There is always a time for everything”

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang pagpapahayag ng kanyang pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Aniya, kapag nagkakaroon siya ng pagkakataon na makausap ang pamilya ng namatayan kung saan aniya ay hindi aniya niya alam kung ano ang tamang salita para sabihin niya ang condolences.

“So, but every time sinasabi ko na para naman ito sa lahat sa atin,  Ecclesiastes 3. And the long and short of the message there is there is always a time for everything in this planet. So whatever it is we will always have our appointed time,” saad nito sa isinagawang Ceremonial Signing of Bills s Rizal Hall, Malakanyang.

“So sometimes we just take for granted life, but in times like these lalo na kilalang presidente, we always put on notice of our mortality in this world that also we cannot last forever,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa niya na labis siyang nalungkot nang malaman niyang pumanaw na si dating Pangulong Aquino.

“It is with profound sadness that I learned of the passing of the former president Benigno S Aquino III this morning,” ani Pangulong Duterte.

Pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang dating Pangulo para sa kanyang naging serbisyo sa bansa.

Umaasa ang Pangulo na magsisilbing inspirasyon sa sambayanang filipino ang iniwang pamana ni Aquino.

“I offer my heartfelt condolences to the Aquino family. Be assured of the government’s assistance in this period of mourning and above all, please accept the love and the prayers of a grateful nation.”

“Before we proceed, let us take a moment of silence to honor the memory and pray for the eternal repose of the soul of President Benigno Simeon Aquino III. May he rest in peace,” dagdag na pahayag ng Pangulo. Kris Jose


  •  
  •  
  •