Sa pagpasok ng bagong player: Telecom Services sa bansa, mananatiling mura, maaasahan at walang aberya

Sa pagpasok ng bagong player: Telecom Services sa bansa, mananatiling mura, maaasahan at walang aberya

July 23, 2018 @ 8:22 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nananatiling naninindigan ang administrasyong Duterte na ang  telecommunications services ng bansa ay maaasahan, mura at walang aberya.

Isang draft Terms of Reference para sa pagpasok ng bago at pangunahing industry player ang kasalukuyang nasa kamay ngayon ng pamahalaan.

Ani Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na idinaos sa Session Hall sa  House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon na ang terms ay patas, makatuwiran at komprehensibo.

“It will be inclusive so it will be open to all interested private parties, both foreign and local. The only condition is that the chosen entity must provide the best possible services at reasonably accessible prices,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sa kabilang dako, ang pagsisikap aniya ng pamahalaan na makakuha ng isang bagong major player ay magiging walang saysay kung hindi mapabubuti ang natitirang tagumpay sa industriyang matagal na pinagharian ng mga “well-entrenched duopoly”.

Kaya nga, dapat na babaan ang interconnection rates sa pagitan ng lahat ng industry players.

Hindi lamang para mabawasan ang bayarin ng mga consumers kundi maging babaan din ang halaga para sa papasok na player para makapag-access ng umiiral na networks, lumikha ng market environment na higit na kaaya-aya sa kompetisyon.

Ito aniya ay polisiya na napakahalaga upang matiyak na ang solusyon sa problema ng bansa sa telecommunication ay makahulugan at pangmatagalan. (Kris Jose)