Sa pagtaas ng COVID cases, DOH ‘di magdaragdag ng isolation facility – Vergeire

Sa pagtaas ng COVID cases, DOH ‘di magdaragdag ng isolation facility – Vergeire

September 29, 2022 @ 6:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa kabila nang nakikitang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region ayon kay Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na walang nakikitang pangangailangan para magbukas ng bagong isolation facility.

Sa press briefing, sinabi ni Vergeire na sa kasalukuyan ay mayroon pa ring nanatiling ilang mga isolation facilities sa mga local government units bukod pa sa may nakakontrata pa ring mga hotel lalo na para sa mga health care workers na nagkakasakit na dati pang ginagamit hanggang sa ngayon.

Tulad aniya sa Maynila ay nariyan pa ang Manila COVID-Field Hospital kung saan inilipat ang ibang mga pasyente.

Sa Marikina ay mayroon ding isolation facility na para lamang sa health care workers.

“Sa ibang mga lugar na local government, they have hired or they have rented hotels para sa health care workers nila– so sa ngayon wala pa tayong nakikitang need para tayo ay magbukas muli ng panibago,” ani Vergeire.

“We are using the existing facilities for these individuals na pwede na nating ilipat palabas ng mga ospital,” dagdag pa niya. Jocelyn Tabangcura-Domenden