Sa pagtaas ng inflation rate, publiko hindi dapat mag-panic- Malakanyang

Sa pagtaas ng inflation rate, publiko hindi dapat mag-panic- Malakanyang

July 6, 2018 @ 3:07 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-panic ang publiko sa pagtaas ng inflation rate sa buwan ng Hunyo.

Base kasi sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, naitala noong Hunyo ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa loob ng limang taon.

Bukod pa sa dahil may umiikot na pera galing sa buwis at economic activity kaya’t bumibilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa ulat, pumalo ito sa 5.2 percent na inflation sa buwan ng Hunyo na mas mataas kumpara sa 4. 6 na inflation noong Mayo.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nandyan naman kasi ang Build, Build, Build program ng pamahalaan upang mapaunlad ang mga sektor ng imprastraktura sa bansa.

Taong 2011 nang huling umabot sa 5.2 percent ang inflation rate ng Pilipinas. (Kris Jose)