Sa pananalasa ng Super Typhoon Maria: Insurance companies dapat tulungang makabawi ang mga magsasaka

Sa pananalasa ng Super Typhoon Maria: Insurance companies dapat tulungang makabawi ang mga magsasaka

July 8, 2018 @ 3:13 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nanawagan ang isang mambabatas na tulungan ng mga insurance companies ang maliliit na magsasaka na makabawi sa pinsalang idudulot ng bagyo at iba pang kalamidad sa kanilang mga pananim at alagang hayop sa pagbibigay ng insurance coverage sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Sen. Cynthia Villar, hindi pwedeng pabayaan ang mga magsasaka dahil sa kanila umaasa ng pagkain ang buong bansa.

Ani Villar, chair ng Committee on Agriculture and Food, kailangang maipasa ang Senate Bill 1759 o Free Index-Based Crop Insurance Act, na naglalayong taasan ang access ng mga magsasaka sa mga safety nets laban sa epekto ng climate change sa pag-eestablisa ng kasalukuyang polisiya at pondo gamit ang crop insurance program.

Aniya, mas mabuting may pinanghahawakang batas ang mga magsasaka kesa umasa lamang sa policy issuance ng Insurance Commission.

Layunin ng panukalang magbigay ng epektibong social at economic safety net at financial inclusion sa nakararami sa anim (6) milyong smallholder farmers na higit na apektado ng climate change.

Tiniyak naman ng PIRA na pagkakalooban nila ang lahat ng stakeholders ng agricultural insurance ecosystem.

Hindi na umano suliranin ng mga magsasaka lamang ang agricultural insurance dahil isa itong national issue na kailangang matugunan.

Hinikayat din ni Villar ang PIRA na magkaroon ng corporate social responsibility program upang gumawa ng training module na gagamitin sa farm schools at training sites na magtuturo sa mga magsasaka sa kahalagahan ng crop insurance sa kanilang proteksyon laban sa kalamidad.

Kung hindi umano makapagtatanim ang mga magsasaka ay buong bansa ang makararanas ng taggutom.– NENET L. VILLAFANIA