Manila, Philippines – Kailangan talagang magtrabaho double-time ng Philippine National Police (PNP) para hindi na maulit ang sunud-sunod na mga pagpatay sa mga local government officials.
Kabilang sa mga napatay kamakailan ay sina Tanauan City Mayor Antonio Halili, General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at Trece Martirez Vice Mayor Alexander Lubigan.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na importante na hindi na maulit ang insidente ng patayan para mapakalma ang publiko.
“Of course, kailangan ang Philippine National Police ang dapat on top of the situation, dapat mangibabaw sila; at kailangan maresolba talaga lahat ng kaso, mabigyan ng hustisya iyong napaslang, iyong pamilya ng napaslang,” ani Secretary Andanar.
Kailangan din aniyang malaman ang dahilan kung bakit pinatay ang mga ito, kung may kinalaman sa ilegal na droga, politika, o personal.
“So ang pagkaka-alam ko ay iba’t ibang anggulo iyong mga local government officials na pinaslang,” aniya pa rin. (Kris Jose)