P3.4M shabu nadiskubre ng PCG working dog sa Zambo

August 10, 2022 @6:00 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Natuklasan ang kabuuang P3.4 milyong halaga ng shabu ng Philippine Coast Guard (PCG) working dog sa isang cargo area sa Zamboanga City.
Batay sa ulat, nadiskubre ng PCG working dog na si “Bunny” ang 500 gramo ng shabu na may tinatayang market value na P3.4 milyon sa isang cargo area ng airline company nitong Lunes.
Sinabi na PCG na ang nag-ship ng nabanggit na kontrabando ay si Farhana Maddih mula sa Basilan at umano’y ipadadala kay Dayana Ismael ng Quezon City.
Batay sa Coast Guard, nai-turn over na ang package sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IX para sa imbestigasyon at proper disposition.
Inasistihan din ng Philippine National Police (PNP) ang PCG K9 Field Operating Unit Southwestern Mindanao sa pagsasagawa ng operasyon. RNT/SA
Pagpapaliban ng 2022 BSKE sa Disyembre 5, gawing prayoridad – sens

August 10, 2022 @5:48 PM
Views:
21
MANILA, Philippines- Hiniling ng dalawang senador sa kasamahan sa Senado na gawing prayoridad ang panukalang batas na magpapaliban sa 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa December 5.
Kapwa hiniling ito nina Senador Jinggoy Estrada at Ramon Revilla Jr., upang matukoy kung matutuloy o hindi ang naturang halalan.
“Mahalaga na agarang matukoy kung itutuloy ba ito o hindi para hindi na umabot pa sa punto na masasayang lang ang paghahanda na gagawin ng Comelec [Commission on Elections] dahil lang huli na na-ipasa ang batas,” ayon kay Revilla.
Sumang-ayon naman si Estrada sa naunang manipestasyon nito dahil katulad niya at Senador Francis Escudero, kapwa sila naghain ng panukalang pagpapaliban ng BSKE kaya’t nararapat nang aksiyunan ng komite.
“If we approve of the postponement of the Barangay and SK Elections, then they will not prepare anything. But if we disapprove, if we continue to have the Barangay and SK Elections, then the Comelec has time to prepare,” aniya.
Naibigay ang panukala sa Senate committee on electoral reforms na pinamumunuan ni Senador Imee Marcos na nahawa sa Covid-19.
Inihayag naman ni Senate Minority Leader Joel Villanueva na ibinigay ang panukala ni Escudero Committee on Local Government na pinamumunuan ni Senador JV Ejercito.
Nangako naman si Senate President Juan Miguel Zubiri kaagad aaksiyun ang panukala dahil maaaring gamitin sa ibang programa ng pamahalaan ang badyet na matitipid sa pagpapaliban ng SBKE.
“The earlier that we can make a decision on it, the earlier we also save money from the National Treasury for other government programs. So, I support the move of Senator Jinggoy to discuss this as soon as possible,” ayon kay Zubiri.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang preparasyon ng Comelec sa naturang halalan. Ernie Reyes
Pagsasalin ng public service advisories sa wikang Filipino isinulong sa Senado

August 10, 2022 @5:34 PM
Views:
17
MANILA, Philippines- Ikinasa ni Senador Jinggoy Estrada ang isang panukalang batas na magsasalin sa Filipino at iba pang diyalekto ang lahat ng public service advisories partikular sa natural disaster at malalang kondisyon sa lagay ng panahon.
Sa panukalang Senate Bill No. 680 o ang Language Accessibility of Public Information on Disasters Act, sinabi ni Estrada na inaatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan kabilang ang local government units na gumamit ng Filipino at iba pang regional dialect sa public advisories.
Aniya, mas maiintindihan ng publiko ang kalatas dahil mas marami ang nakakaunawa sa Filipino at iba pang diyalekto kaysa universal English language.
Makikita na palaging nagpapalabas ng advisories ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa natural disaster at matinding kondisyon ng lagay ng panahon sa English.
“Getting reliable, updated information in the most convenient way, written in languages spoken in the impacted communities when communication becomes especially critical, can help ensure public safety, protect property, elicit cooperation, and facilitate response efforts,” ani Estrada sa kanyang explanatory note.
Kabilang sa panukala ang pagsasalin sa Filipino ng lahat ng impormasyon sa social amelioration programs, emergency assistance at iba pang social protection measures, disease outbreaks, security concerns ng military at pulisya, at man-made emergencies.
Dapat plain language lamang ang impormasyon kahit may scientific jargon o technical terminologies o naglalaman ng espisipikong impormasyon na may lawak at namimintong epekto at pagkasira hanggang sa antas ng barangay.
“More important than economic loss is the danger and the loss of lives of the people because of insufficient or inappropriate communication – misinformation, miscommunication, lack of information in far-flung areas – from authorities to their constituents during times of disasters and calamities,” ani Estrada. Ernie Reyes
MMDA bukas sa congressional inquiry sa NCAP

August 10, 2022 @5:20 PM
Views:
16
MANILA, Philippines- Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules na tatanggapin nito ang anumang congressional inquiry sa mga isyung bumabaloy sa implementasyon ng no contact apprehension policy (NCAP).
Inihayag ng MMDA na nirerespeto nito ang awtonomiya ng lahat ng local government units (LGUs) sa paglikha at pagpapatupad ng sariling traffic regulations.
“From what we heard, LTO’s (Land Transportation Office) call for LGUs to suspend their respective NCAP is their reaction to the call of some transport groups and operators on the issue,” anito.
“The Authority welcomes the call for legislative investigation on its NCAP which have been in place since 2016 and will definitely cooperate with other branches of government and agencies to ensure a more efficient and orderly implementation of the said policy,” dagdag nito.
Nanawagan nitong Martes ang LTO sa LGUs na suspendihin at rebyuhin ang kanilang NCAP.
Sinabi ni LTO chief and Transportation Assistant Secretary Teofilo Guadiz III na amraming operator ng public utility vehicles ang inirereklamo ang pagmumulta para sa traffic violationsng mga drayber.
Inilahad ni Guadiz na alinsunod sa batas, ang registered owners ng sasakyan ang magbabayad ng traffic violations ng kanilang sasakyan base sa command responsibility.
Umapela naman ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) nitong Linggo sa Department of Transportation (DOTr) at sa sectoral offices nito na payagan ang paglilipat ng ownership ng units na hindi na nila pagmamay-ari kasunod ng implementasyon ng NCAP.
Inabisuhan naman ng LTO chief ang LGUs, na bumalangkas ng mga alituntunin para sa polisiya, na makipag-ugnayan sa ahensya at plantsahin ang mga guideline para sa traffic policy.
Subalit, hindi sinang-ayunan ng mga alkalde ng National Capital Region ang suspensyon ng NCAP.
Sa kasalukuyuan, ipinatutupad sa Quezon City, Valenzuela, at Manila ang NCAP. RNT/SA
Pagpapalit ng ‘outdated’ laptops pinag-aaralan ng DepEd

August 10, 2022 @5:06 PM
Views:
18