Sa wakas: mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa maanomalyang P4.2B maintenance contract ng MRT 3, mananagot na

Sa wakas: mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa maanomalyang P4.2B maintenance contract ng MRT 3, mananagot na

June 25, 2018 @ 6:05 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Panahon na para mapanagot ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa maanomalyang P4.2 Billion na maintenance contract na pinasok ng gobyerno sa Metro Rail Transit (MRT 3).

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, labis na ikinalugod ng Malakanyang ang naging hakbang ng Office of the Ombudsman na kasuhan na ng graft si dating Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at labing anim na iba pa.

Dahil sa bagong development na ito ay wala na munang balak si Sec. Roque na ilantad pa sa publiko ang kanyang mga hawak na whistleblower sa kontrobersiya sa MRT.

Paliwanag ni Sec. Roque, nasampahan na kasi ng kaso si Abaya at iba pang mga dating opisyal ng pamahalaan.

Magiging available lamang aniya ang mga whistleblower kapag kinailangan sa takbo ng imbestigasyon.

Tiniyak nito na malaki ang nalalaman ng mga ito ukol sa naturang anomalya na pinasok ng nakaraang pamunuan ng MRT at Department of Transportations and Communication sa ilalim ni Abaya. (Kris Jose)