SA WAKAS, SINGLE TICKETING NA

SA WAKAS, SINGLE TICKETING NA

December 15, 2022 @ 8:40 AM 2 months ago


MAGANDA ang mungkahi na nanggaling kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa mga alkalde na pag-isahin na lang ang parusa at proseso sa panghuhuli sa pasaway na drivers sa Metro Manila.

Bunga nito, maging ang pangungumpiska ng lisensiya ng drivers ay suspindido muna, habang itinatakda pa ng ating labing-pitong (17) mayor s sa National Capital Region ang ‘single ticketing system’.

Madaling nakumbinsi ni Abalos ang mayors ng NCR dahil sila mismo ay naguguluhan na sa magkakahiwalay at magkakaibang uri ng panghuhuli at pagparusa sa mga pasaway na drivKasama ng mga ehekutibo ang Metropolitan Manila Development Authority at Land Transportation Office sa pagbabalangkas ng ipatupad na single ticketing system.

Para kay Abalos, ang sistemang ito ay magbibigay daan sa pagkakaroon ng database o imbakan at listahan ng mga palagiang nahuhuling mga driver na lumalabag sa mga batas trapiko.

Kasabay nito, maibabalangkas din ang unipormadong mga multa sa bawat paglabag ng mga batas trapiko gaya ng – disregarding traffic sign, attended and unattended illegal parking, number coding, truck ban and light truck ban, reckless driving, unregistered motor vehicle, driving without license, tricycle ban, obstruction, illegal counter flow, over speeding, loading and unloading in prohibited zones, driver’s arrogance or discourteous conduct, traffic violations under special laws and violations by motorcycle drivers, including dress code, overloading, defective motorcycle accessories and unauthorized modification.

Sana nga ay mabago nito di lamang ang iba’t ibang presyo ng pagtubos ng lisensiya ng mga driver, kundi ang magulong sistema ng panghuhuli sa mga pasaway na driver.

Iminungkahi naman ni Abalos sa mga tsuper na makatutulong sa mga ito na makapag-isip-isip din, sapagkat panahon na para kayo’y magbago at sumunod na sa mga batas trapiko.

Dahil ang mungkahi ni Abalos ay may kasamang “demerit points” na maaaring magbunga ng pagkasuspinde ng lisensiya ng pasaway na driver o kaya’y nama’y tuluyan nang di makapagmaneho o di na mabigyan ng lisensiya ang mga “kamoteng” mga driver.

oOo oOo oOo oOo

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!