SABAH SA NORTH BORNEO, PAG-AARI NG PILIPINAS

SABAH SA NORTH BORNEO, PAG-AARI NG PILIPINAS

August 1, 2020 @ 12:05 PM 3 days ago

Share

Noong nabubuhay pa si Pangulong Ferdinand Marcos, mahigpit niyang ipinaglaban ang Sabah bilang pag-aari ng Pilipinas base sa mga lumang dokumento na nagsasabing pag-aari ito ng mga Sultan sa Sulu.

Isang patunay na ipinaglaban ni Marcos ang Sabah ang pagpapadala niya ng mga sundalo roon na sumakop sa isla na ikinagulat ng bansang Malaysia.

Kaya pinag-aagawan ang isla ng Sabah ay dahil sa hitik sa likas na yaman ito.

Maigting ang pagnanais noon ni Pang. Marcos na mabawi ang Sabah mula sa umaangkin na bansang Malaysia.

Si Ninoy Aquino ang isa sa mga dahilan kaya lumabo nang lumabo ang pag-angkin ng Pilipinas sa naturang isla.

Bukod dito, tinanggal ni ex-President Cory Aquino ang ilang nilalaman ng 1987 Constitution na nagresulta sa pagkakatanggal ng mapa ng Sabah bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Nakita ninyo ang kahayupan ng mga mapangarap na pamilyang ito, na ayon sa mga kritiko nila, nagkaroon ng commitment noon si Ninoy kay PM Mahathir na basta tulungan lang sila na makabalik sa pwesto, ang Sabah ay kanila na.

Anak ng putragis, wala na nga silang nagawa sa bayan at hindi na nga sila nakatulong sa bansa, tinanggal pa nila sa mapa ng Pilipinas ang Sabah na matagal nang kine-claim ng mga ninuno natin na pag-aari natin ito.

Ang isa sa magpapatunay o ebidensya rito ay makikita sa 1987 Constitution na pinagawa ni Mrs. Aquino noong siya pa ang Pangulo ng Pilipinas.

Pinaiba niya ang depinisyon ng Philippine Territory at pinabinura niya ang Sabah sa mapa ng Pilipinas na isang historic claim na sinusuportahan ng legal title na nakapangalan sa Sultan ng Sulu.

Ang tanong: paano ngayon natin mapaninindigan sa Malaysia na ang Sabah na ibinigay sa atin ng mga kapatid na galing sa Brunei ay atin kung ang mismong kababayan natin na nagsilbing Presidente pa naman natin ang siyang nagtanggal sa mapa ng Pilipinas ng Sabah na inaangkin din ng Malaysia????

Matagal nang panahon na pinag-aagawan ng Pilipinas at Malaysia ang nasabing isla pero hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin ito na kung sino ba talaga ang tunay na nagmamay-ari rito.

Ako’y naniniwala na sa pamamagitan ni Pang. Rodrigo Duterte, makukuha natin ang matagal na nating kine-claim na isla ng Sabah sa bansang Malaysia bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...