Sabong-on-Air kampeon sa Face-Off 4-Stag Derby

Sabong-on-Air kampeon sa Face-Off 4-Stag Derby

December 26, 2022 @ 11:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naka-limang kampeonato ang Sabong On Air ngayong 2022 matapos angkinin ang korona sa katatpos na Face-Off 4-Stag Derby na ginanap sa Lipa City, Batangas nakaraang Huwebes.

Kaya naman masasabing tagumpay ang Sabong On Air na pag-aari ni veteran broadcast journalist, Ka Rex Cayanong sa kanyang kampanya sa sinasalihang derby.

Ilang araw na lamang at magtatapos na ang 2022 pero mabilis pumupog ang mga panabong ng Sabong On Air at naihabol ang inaasam na kampeonato sa pa derby ng Team Diamond Cutters kung saan ay umabot sa 140 fights ang sultda.

Unang kinikig ng Sabong On Air ang entry name na WDY Pangasinan sunod ang Cagsawa, RSM Flash Bomba GF Merry X’Mas at IJI Chesca Isaac.

Nakatuwang ni Cayanong sa paghahanda ng manok ay ang kanyang handler na sina ivan Celeste, Dodie Garcia, Jimuel Santiago, Welmer Orel at team Liverwire sa pangunguna ni Jap Gagalac.

Naghari ang Sabong On Air sa King Arthur 6-Cock Derby noong Hulyo, sa WPC Battle of the Big Boys noong Marso 21 at dalawang beses noong Mayo ng mag combined entry sila ni Richrad Perez sa JP dragon 6- cock Derby at Hagibiz 4-cock Derby.

Samantala,inaasahang lalahukan ng Sabong On Air ang sunod na schedule ng 4-Stag Derby ng Team Diamond Cutters na ilalarga sa Enero 2, 16 at 30, 2023, may entry fee ito na P11,000 at Minimum bet na P11,000.RCN