Sabong On Air kampeon sa King Arthur 6-Cock Derby

Sabong On Air kampeon sa King Arthur 6-Cock Derby

June 10, 2022 @ 12:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinatunayan ni sabong rising star Ka Rex Cayanong na matitindi ang kanyang mga warriors matapos magkampeon sa katatapos na King Arthur 6-Cock Derby na nilarga sa state-of-the-art  RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna.

Nirehistro ng Sabong On Air, entry name ni Cayanong, ang limang puntos sapat para tanghaling kampeon sa paderby ni Art Atayde noong Huwebes.

Sinalto ng Sabong On Air ang Villa elena 789 Super Reyna, Tiger Shark ni Celso Salazar, June 18  4 cock tuy cockpit at SMC na pag-aari ni Tady Palma.

Nakatabla sa Sabong On Air ang entries na Gen X Figther at JJA – DVH.

Naghanda sa mga panabong ni Cayanong ay ang handler na si Anteng  Bullecer at mga assistant nitong sina Ian Avila at Bhem Bhem Enrico habang si Juan Carlos “Tawo  “Bullecer ang mananari.

Namamayagpag ang Sabong On Air ngayong taon, dahil nakaka-apat na kampeonato na ito, una sa WPC Battle of the Big Boys noong Marso 21 sa Manila Arena sa Sta. Ana.

Dalawang beses noong Mayo, parehong combined entry sila ni Richard Perez, (RIPER/Sabong On Air), kampeon sila sa JP dragon 6- cock Derby na binitawan sa new Antipolo  Coliseum sunod ang Hagibiz 4-cock Derby na nilarga naman sa magandang sabungan sa Laguna na RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit.

Samantala, may pa derby si Cayanong sa June 16, ilalarga ang 6-Cock Sabong On Air Derby na gaganapin sa RIPER Sports, ang pot money ay P110,000 habang P55,000 ang minimum bet.ED