Sabwatan nina Marcos, OSG, pinaiimbestigahan sa PET

Sabwatan nina Marcos, OSG, pinaiimbestigahan sa PET

November 18, 2020 @ 6:46 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Agarang pinaiimbistigahan ni Vice President Leni Robredo sa. Presidential Electoral Tribunal ang posibilidad na sabwatan umano nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at  Solicitor General Jose Calida kaugnay sa nakabinbin na election protest.

Sa inihaing urgent motion ng legal team ni Robredo, kinuwestyon ang paglahok ni Calida na animo ay pagsuporta kay Marcos bunsod ng kahilingan din ng Solicitor General na  mag-inhibit sa kaso si Associate Justice Marvic Leonen.

Batay sa mosyon, hindi maituturing na aksidente lamang ang pagkakapareho ng hinihiling ni Marcos at Calida na huwag na lumahok sa deliberasyon ng election protest si Leonen.

Parehas anila ang mga naging argumento na inilahad sa mosyon ni Marcos at ng OSG na maituturing na bias bias umano si Leonen sa mga Marcos.

Imbes aniya na maging tagapagtanggol ng kapakanan ng publiko ang OSG, ay nagiging tagapagtangol na ito ni Marcos. Teresa Tavares


  •  
  •  
  •  

Loading...