Sabwatang CPP-NPA at Simbahang Katolika, hindi fake news- Secretary Roque

Sabwatang CPP-NPA at Simbahang Katolika, hindi fake news- Secretary Roque

July 4, 2018 @ 12:57 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi fake news ang sabwatan ng CPP-NPA at Simbahang Katoliko para mapatalsik sa puwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa katunayan ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay isa nang kasaysayan ang pagkilos na ito.

“Hindi po fake news iyan; iyan po ay kasaysayan. Napakatanda na po ng CPP-NPA, it’s the world longest insurgency,” ayon kay Sec. Roque.

Aniya, ang konsepto ng mga Maoist ay konsepto din aniya  ng National Democratic Front kung saan ay talagang papasukin ng mga ito ang iba’t ibang institusyon.

Ang Maoist ay taga-sunod ng communist doctrines ng Mao Zedong.

Sinabi ni Sec. Roque na isinapubliko lamang niya ang sabwatang CPP-NPA sa ilang taga- Simbahang Katolika upang mawagan at bigyang babala ang publiko.

“Matuto naman po tayo sa kasaysayan, huwag magbulag-bulagan at huwag nating… kunwaring hindi alam kung paano gumalaw ang CPP-NPA. Papasukin at papasukin po ang mga iba’t ibang institusyon at kinakailangan bantayan ang ating mga hanay,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Pinaninindigan niya aniya ang kanyang sinabi na kasaysayan na ang sabwatang ito.

Kaya nga ang kanyanga pakiiusap sa lahat ay  huwag magbulag-bulagan sa mga pangyayari ngayon. (Kris Jose)