Sabwatang Lim-Espinosa, napatunayan

Sabwatang Lim-Espinosa, napatunayan

August 10, 2018 @ 4:44 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sasampahan na ng Department of Justice (DOJ) sa Makati City Regional Trial Court ng kasong may kinalaman sa iligal na droga ang grupo nina Peter Go Lim (Jaguar) matapos makitaan ng sapat na batayan ang kaso.

Sa resolusyon ng DOJ, nakasaad na may sapat na batayan ang kaso laban kina Lim, Rolan “Kerwin” Espinosa, Marcelo Adorco, Ruel Malindangan at iba pa.

Ginamit na batayan ng panel of prosecutors na pinamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera ang pag-amin ng akusadong si Kerwin Espinosa sa ginanap legislative investigation ng Senate Committee on Justice and Public Order.

Pinatunayan din ni Marcelo Adorco sa naturang pagdinig na si Lim ay isa sa mga supplier ng illegal drugs ni Kerwin.

Ayon sa panel, sapat na ang nasabing deklarasyon para mapatunayan ang probable cause na may sabwatan o conspiracy sa pagitan ng mga respondent sa pagpapakalat ng bawal na droga kaya’t hindi na binigyang merito ng panel ang depensa ni Lim na hindi siya  si Jaguar dahil tinukoy na siya nina Espinosa at Adorco.

“… that conspiracy to commit illegal drug trading is a distinct oense under the Comprehensive Dangerous Drugs Act o 2002 and that the agreement to trade in drugs is the gravamen o the oense, The drugs themselves as corpus delicti o drug trading are not essential under Section 26 (b) of the law,” ayon sa resolusyon na pinalabas ngayon ng DOJ. (Jocelyn Tabangcura- Domenden)