Sadyang pagpapahawa sa COVID para sa natural immunity ‘di eekpekto – eksperto

Sadyang pagpapahawa sa COVID para sa natural immunity ‘di eekpekto – eksperto

January 23, 2022 @ 9:14 AM 8 months ago


MANILA, Philippines — Nagbigay-babala ang vaccine expert panel head ng Pilipinas sa publiko laban sa sadyang pagpapahawa sa COVID-19 para lang makakuha ng ‘natural immunity’ kontra sa virus.

Sa interbyu kay Dr. Nina Gloriani, kinumpirma niya na ang sinomang mahahawaan ng COVID-19 ay makakukuha ng natural immunity kapag nakarekober na sila.

Pero, lubos niyang iginiit at ibanabala na ang sadyang pagpapahawa sa COVID-19 ay hindi rekumendado para lang makakuha ng natural immunity ay maaaring magresulta sa pagkakuha ng severe COVID, o magresulta sa kamatayan.

“Mabuti kung ang breakthrough infection ninyo ay mild hanggang moderate siguro; magkakaroon kayo ng boosting immunity. Pero kung magiging severe ‘yun, hindi ‘yun maganda,” giit pa ni Gloriani.

“That natural immunity will happen naturally; hindi tayo magpapa-expose,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, kinilala rin ni Gloriani na mas malakas na imunidad ang makukuha sa hybrid immunity o pinaghalong natural immunity at imunidad na makukuha sa bakuna.

Sa kabila nito, hindi naman ito rason para magpakampante ang mga bakunado.

“I don’t think the doctors will say na magpa-expose kayo para magkaroon kayo ng natural immunity. Hindi po gano’n… kasi hindi natin alam ang magiging resulta sa inyo,” ani Gloriani.

“‘Wag nating pabayaan ‘yung complacency… Hindi tama ‘yung exposure na pinilit. It will not work po,” dagdag pa niya.

Ang babala ni Gloriani ay matapos ang inilabas na pag-aaral mula sa United States na nagpapakita na sa panahon ng Delta surge ang mga nahawaan ay mas mababa ang tsyansang mahawaan ulit kaysa sa mga bakunado.

Pero isinagawa ang nasabing pananaliksik hindi pa lumilitaw ang Omicron at wala pang booster shot. RNT