SAF 44 kinilala ng Malakanyang

SAF 44 kinilala ng Malakanyang

January 25, 2023 @ 4:28 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Kinilala ng Malakanyang ang kabayanihan ng  44 Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) na  nasawi sa madugong enkwentro laban sa mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 taong 2015.

“Ngayong ika-25 ng Enero, ating inaalala ang kabayanihang ipinakita ng 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) officers sa munisipalidad ng Mamasapano noong 2015,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) sa isang kalatas.

“Ang kanilang sakripisyo ay ‘di malilimutan at mananatiling inspirasyon para sa bawat Pilipino,” dagdag na wika ng PCO.

Matatandaang naging target ng operasyon na tinawag na Oplan Exodus ang international terrorist at bomb maker na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.

Napatay ng mga bayaning SAF troopers si Marwan ngunit ang kapalit nito ay ang 44 na buhay din ng tropa na ipinagluksa ng buong Pilipinas. Kris Jose