Safe at free elections sa 2022 isinusulong ni Velasco

Safe at free elections sa 2022 isinusulong ni Velasco

July 14, 2021 @ 8:50 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pinanawagan ni House Speaker Lord Allan Velasco sa lahat ng  government agencies na tiyakin ang ligtas na eleksyon sa Mayo 2022 sa kanila ng kinahaharap na pandemic.

Sa forum na pinangunahan ng  House Committee on People’s Participation na may temang “Imagining the 2022 National Elections: the Many Ways the COVID-19 Pandemic can Impact the Electoral Process.” sinabi ni  Velasco na kailangan tiyakin na magkaroon ng  “free and democratic elections” bagamat may kinahaharap ang bansa na health crisis.

“The pandemic ground the world to an almost complete halt, but our democratic processes must endure. The greatest of these democratic processes, of course, is suffrage,” pahayag ni Velasco.

“Ang ating mga kababayan ay nararapat na hayaang makapili ng mga mamumuno sa isang bukas at malayang eleksyon,” giit pa nito.

Sinabi ni Velasco na ang naganap na  Palawan plebiscite ay dapat magsilbing  testing ground para sa  2022 elections,aniya, naidaos ang eleksyon nang ligtas sa pamamagitan ng pagpapatupad ng  health safety measures gaya ng  temperature checks, social distancing at pagsusuot ng  personal protective equipment ng mga election frontliners.

Kung nagawa umano ang online learning system ay kaya din na baguhin ang nakasanayan nang paraan ng eleksyon.

Asahan umano na ang debate ay gagawing online na sa halip na person-to-person campaigns.

“We must ensure, therefore, that the voice of those who have less in life, those who do not have easy access to internet-ready devices shall still be heard by the candidates,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Velasco na dapat gampanan ng bawat isa ang karapatan sa pagbitl kahit mayroong pandemic.

“Obligasyon po nating lahat na hikayatin ang bawat isang Filipino, lalo na ang ating mga kabataan, na magparehistro upang makaboto at sa araw ng halalan ay pumunta sa mga presinto upang makaboto nang buong laya at katapatan,” pagtatapos pa ni Velasco. Gail Mendoza