‘Safer Internet Day’ tugon vs online abuse sa mga kabataan

‘Safer Internet Day’ tugon vs online abuse sa mga kabataan

February 1, 2022 @ 11:15 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang internet service providers (ISPs) para sa month-long celebration ng Safer Internet Day for Children Philippines (SID PH) simula Pebrero 8.

Ang month-long celebration ay sesentro sa temang “Click, Respect, Connect – CRC Next Level: Ligtas na Ugnayan (Safe Interaction) Online.”

Tatalakayin sa sang forum kasama ang ISP ang available na teknolohiya para labanan at tugunan ang online sexual abuse at exploitation ng mga kabataan sa panahon ng kickoff activity.

Ang mga kinatawan ng telecommunication companies ay magbabahagi ng kanilang safety mechanisms at available technologies, software, at systems para i- block at i- filter ang child sexual abuse material at child sexual exploitation material.

Pangungunahan naman ng DSWD at Inter-Agency Council Against Child Pornography ang pagdiriwang para palaganapin ang kamalayan sa umuusbong na pangangailangan para tiyakin ang child protection mula sa panganib at mga pang-aabuso na dala ng maling paggamit ng internet, o kasalatan sa kamalayan ukol sa internet security gaya ng nakamandato sa Presidential Proclamation No. 417 in 2018 na nagtatakda sa SID PH tuwing pangalawang Martes ng Pebrero.

Ang Safer Internet Day ay unang ipinakilala sa iba’t ibang bansa sa Europa noong 2004.

Ito ngayon ay ginugunita ng mahigit sa 100 bansa. Kris Jose