Safety, security training alok ng PNP sa Dumaguete media

Safety, security training alok ng PNP sa Dumaguete media

January 22, 2023 @ 3:23 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dumalo sa personal safety and security seminar na inihanda ng Dumagete City Police ang iba’t ibang media practitioners mula sa print, broadcast at social media ng lungsod.

Layon ng seminar na bigyan ng practical tips at iba pang pamamaraan ang media na masiguro ang kaligtasan ng mga ito habang nasa coverage partikular na sa personal na proteksyon para sa kanila at mga pamilya nito.

“This is part of our actions and activities to provide security to our media personalities so that they can be prepared against certain hostilities,” ayon kay Lt. Col. Ronoel Fungo, officer-in-charge ng Dumaguete city police.

Bagama’t hindi tuluyang maiiwasan ang krimen, mas madaling matutukoy ng mga media practitioners ang mga posibleng umatake at maiiwasan na masaktan sa pamamagitan ng mga matututunang basic skills sa training.

Kabilang sa seminar ang guides at tips sa self-defense, observation, awareness of people and surroundings, documentation ng potential threats, pagtatatag ng communication networks, gun safety at kolaborasyon sa pulisya.

Ani Fungo, pag-aaralan din umano niya ang pagtatayo ng police blotter at point person na nakalaan lamang para sa mga media practitioners na may banta sa buhay.

Bagama’t ang pamahalaan ay mayroong Presidential Task Force on Media Safety, ang lokal na pulisya ay nananatili pa rin umanong front-liners sa imbestigasyon ng kaso sangkot ang mga kagawad ng media.

Siniguro naman ni Fungo na masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente ng pamamaril-patay sa tatlong broadcast journalists noong 2019 hanggang 2021. RNT/JGC