Saging con shabu buking sa Davao City Jail-Annex

Saging con shabu buking sa Davao City Jail-Annex

January 14, 2022 @ 8:13 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga otoridad sa Davao City Jail-Annex ang pakete ng shabu sa loob ng saging na ipapasok sa nasa sa bilangguan.

Ayon sa awtoridad na hindi nakalusot sa kanila ang nasabing pagkain nang dumaan sa search area.

Sinasabing nasa tatlong gramo ng hinihinalang shabu o nagkakahalaga ng P45,000 ang nasamsam.

Hindi naman nahuli ang salarin dahil iniwan lang umano ang saging sa labas ng Davao City Jail-Annex na inakala nila na para naman sa loob ng pasilidad.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ang insidente para mapanagot ang salarin. RNT