Panukalang pagpataw ng parusa sa nagkakalat ng fake news inihain sa Kamara

August 8, 2022 @7:20 PM
Views:
12
MANILA, Philippines- Dalawang mambabatas ang naghain ng panukala sa House of Representatives na nagsusulong na amyendahan ang Cybercrime Prevention Act of 2012 at isama sa mapatawan ng parusa ang pagpapakalat ng fake news.
Sa inihain panukala nina Malabon Rep. Josephine Lacson-Noel at An Waray party-list Rep. Florencio Noel sa ilalim ng House Bill 2971 iginiit nito na hindi dapat palampasin ng gobyerno ang misinformation at disinformation.
“Both misinformation and disinformation must not go unpunished, especially since it poisons the minds of our citizens by distorting the truth”ayon kay Noel.
Partikular na target sa panukala ay ang mga trolls.
“It cannot be stressed enough that nowadays, people have been repeatedly misinformed about what they consider to be data and facts through the advent of ‘fake news.’ Not even credible sources like media outlets and broadcast stations were spared of the false information spread out by paid trolls to distort truth and deliberately mislead people to think the opposite of what is actually happening,” giit naman ni Lacson-Noel.
Sa ilalim ng panukala ay papatawan ng parusa ang gumagawa at nagkakalat ng fake news sa pamamagtan ng paggamit ng computer system.
Ang “fake news” sa ilalim ng panukala ay misinformation at disinformation ng mga stories, facts at news na ginagawang kattohanan dahil ang layunin nito ay balukturin ang katotohanan at i-mislead ang publiko. Gail Mendoza
P1.5M misdeclared chlorine nasabat ng BOC sa Port of Cebu

August 8, 2022 @7:10 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Naiulat ng Bureau of Customs nitong Lunes na nasabat ng mga awtoridad sa Port of Cebu ang shipment na idineklarang calcium carbonate subalit P1.5 milyong halaga pala ng chlorine.
Inihayag ng BOC na ang 21,577 kilo ng chlorine ay nadiskubre nitong nakaraang linggo ng bureau, ng Enforcement and Security Service, Customs Intelligence and Investigation Service, Philippine Drug Enforcement Agency, at ng Philippine Coast Guard.
Nagresulta sana ang misdeclaration sa P199,241.06 loss ssa duties at taxes.
Agad namang nag-isyu si District Collector Charlito Martin Mendoza ng Warrant of Seizure and Detention sa shipment matapos makakalap ng probable cause para sa misdeclaration ina labag sa Section 1113 (F), (I), at (L-3, 4, & 5) ng Customs Modernization and Tariff Act. RNT/SA
Walang masasayang na pondo ‘pag sinuspinde ang BSKE – Comelec

August 8, 2022 @7:00 PM
Views:
12
MANILA, Philippines- Inihayag ng Commission on Elections nitong Lunes na walang masasayang na pondo ng pamahalaan sakaling hindi matuloy ang barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na nakatakda sa Disyembre.
“Any procurement of goods will not be of waste should the proposed postponement/resetting be approved into law, as the same may be utilized in the new date of BSKE,” pahayag ng Comelec.
Ayon kay Comelec Finance Services Department director Martin Niedo, ang P8.44 bilyong budget para sa barangay at SK polls “is still in the coffers of Comelec and remains unspent except for the very minimal amount.”
“None of the procured goods, including indelible inks, pens and ballot and others were wasted and all were accordingly put to its intended use,” dagdag ng Comelec.
Ilang mambabatas muka sa Senado at Kamara ang naghain ng panukala na naglalayon na suspendihin ang barangay at SK polls upang makatipid.
Magugunitang ilang beses nang nakansela ang barangay at SK elections sa ilalim ng administrasyong Duterte. RNT/SA
Sara Duterte sa ASEAN members: ‘Invest in our youth’

August 8, 2022 @6:50 PM
Views:
18
MANILA, Philippines- Nanawagan si Vice President and Education Secretary Sara Duterte nitong Lunes sa member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) “to seriously invest” sa mga kabataan sa pagsusulong nito ng growth agenda sa mga susunod na taon.
Sa kanyang talumpati sa 55th founding anniversary ng regional organization, sinabi ni Duterte na makatutulong ang pagtutuok sa mga kabataan upang maabot ng ASEAN ang potensyal nito sa 2030 habang patuloy na bumabangon mula sa mga epekto ng COVID-19 pandemic.
“I believe that for ASEAN to be able to successfully pursue its regional agenda, the ASEAN to be able to maintain its strong presence in the world, we should seriously invest in our youth,” aniya.
“The young people of ASEAN deserve a future characterized by stability, prosperity, increased mobility, and competitiveness,” dagdag ni bise presidente.
Binigyang-diin ni Duterte ang kahalagahan ng kalidad na edukasyon sa paghubog sa hinaharap ng ASEAN, at sinabing ang intra-regional scholarships at cultural exchanges sa pagitan ng ASEAN countries ay dapat palakasin.
Inihayag din niya na “high time” na para isulong ng ASEAN youth ang pag-aaral ng kani-kaniyang pambansang wika upang makabuo ng makabuluhang relasyon sa isa’t isa.
“We all know that if we are successful in providing our children with access to quality education, coupled with a deep sense of love of country and fellowmen, our future is secured. One of the ways to involve the ASEAN youth is to ensure that they are equipped with the knowledge and skill set needed in a highly competitive environment,” pahayag ni Duterte.
“ASEAN languages may be offered in our schools and universities… I believe it is high time we encourage our youth to learn each other’s national languages. With a collaborative and nurturing environment within our region, we allow our youth to grow and mature as ASEAN citizens while forging meaningful friendships and relationships with their ASEAN neighbors,” aniya pa.
BilangeDepEd chief, inihayag ni Duterte na ang Pilipinas ay “now aggressively pursuing a future” kasama ang youth sector sa nation building.
Pabor siya sa mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) program, na isinusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa senior high school students. RNT/SA
Comelec: Pag-isyu ng voter’s certification muling umarangkada

August 8, 2022 @6:40 PM
Views:
12