Sahod, benepisyo ng healthcare workers inaayos-DOH

Sahod, benepisyo ng healthcare workers inaayos-DOH

January 18, 2023 @ 9:18 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ginagawa na ng Department of Health (DOH) ang mga pamamaraan para sa salary standardization at pagpapabuti ng mga benepisyo sa mga healthcare worker (HCWs) kapwa sa publiko at pribadong sektor upang hikayatin silang manatili at maglingkod sa bansa.

Sa media forum, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario na nakikita ang pagnanais ng mga healthcare professional sa ibang bansa upang punan ang mga kakulangan sa kanilang mga manggagawa na maaaring dalhin sa pamamagitan ng resignation o ng pandemya.

Sinabi ni Vergeire na hindi maiiwasan ang mga healthcare workers na umalis ng bansa dahil naghahanap sila ng mas produktibo at mas mataas na sahod.

Nauna rito, sinabi ng unyon ng mga empleyado ng De La Salle University Medical Center na ang aktibong recruitment at pag-aalok ng mga kaakit-akit na packages sa mga Filipino nursing students ng United Kingdom at Germany ay maaaring makaapekto sa healthcare system ng bansa.

Idinagdag niya na pinag-aaralan ng DOH kung paano makakapagbigay ang gobyerno ng mas magandang benepisyo sa mga HCW at mas maraming scholarship para sa mga estudyanteng interesadong magtrabaho sa larangan ng kalusugan o medikal.

Iniulat ng DOH na mayroong 80,907 estudyante na naka-enroll noong nakaraang taon sa DOH e-learning modules  at karagdagang 653 pre-service at in-service scholars.

Ang nasabing bilang ay nagdala sa kabuuan ng scholars sa 2,230.

Naglunsad din ang DOH ng mga international scholarship program para sa 50 public health professionals upang palakasin ang healthcare workforce  at pinangunahan ang pagbuo ng isang scholarship program kasama ang Philippine-American Educational Foundation upang mapadali ang pagbibigay ng mga scholarship at research program and exchange sa ilalim ng capacity-building ng DOH at mga hakbangin sa pananaliksik gaya ng itinatadhana sa Universal Health Care Law.

“We are doing all these now so we can further incentivize, we can further encourage our healthcare workers to stay here in the country and serve the country,” sabi ni Vergeire . Jocelyn Tabangcura-Domenden