SAHOD NG MGA GURO MABABA PA; SA SOLONS PATAAS NANG PATAAS

SAHOD NG MGA GURO MABABA PA; SA SOLONS PATAAS NANG PATAAS

February 10, 2022 @ 10:08 AM 8 months ago


ILANG sigwada na lang ay matatapos na ang termino ng ika-18 Kongreso pero ni hindi nakitaan sa adyenda rito ang umento sa sahod ng mga kaawa-awang mga guro  sa kabilang ng patuloy ang pararagasa ng COVID-19 at Omicron virus.

E, ang site may ilang mga senador at mga kongresista na hindi magkamayaw sa pagyayabang na tagapagtanggol sila ng mga guro pero wala silang ni kulangot na panukalang batas sa pagtaas ng sahod ng mga guro.

Mantakin ninyo puro kayabangan ang pinaiiral ng mga hindo’t na ito puro lang pangako at walang tigil sa pagmamayabang kes­yo marami silang mga batas na sinususugan na puro press relea-ses at nakatutulig sa mga tenga ang panay na pagmamayabang ng mga ire.

Hanggang ngayon ay mababa pa rin ang mga sahod ng guro ni isa sa mga mambabatas na ito ay walang nakaisip na maitaas man lang ang mga sahod ng mga kaawa-awang guro na sa araw-araw na pagtuturo ay kakapiranggot ang sahod.

Ganong ang mga sahod ng mga mambabatas na ito ay halos wala nang mapaglagyan ang kanilang mga pera habang ang mga kawawang guro ay patuloy na nasa mababang sahod na kung tutuusin sila ang dapat na mabigyan ng atensyon ng ating pamahalaan.

Ang hiling ng mga titser sa kongreso ay bigyan naman nila ng panahon ang pagtaas ng mga sahod ng mga kaawa-awang guro habang silang mga mambabatas ay patuloy naglalakihan ang kanilang mga sahod at kickbak.

Nasaan ang pantay-pantay na pagtingin ng ating gobyerno.

Sana sa mananalong lingkod bayan ay maisaayos ang mga umento sa sahod ng mga guro dahil ang pondong inilaan ng pa­mahalaan para sa mga guro ay hindi masasayang at hindi mapunta sa bulsa ng magnanakaw.

Yun lang po yun…

RIDER NG LALAMOVE TIMBOG SA TOBATS

Swak sa piitan ang isang Lalamove rider makaraang mabu­king na may sahog na shabu ang beef kalderetang itik na ipupuslit sana sa loob ng Taguig City Jail Male Dormitory sa Camp Bagong Diwa sa Lower Bicutan, Taguig City.

Ang suspek ay kinilalang si Angelo Quiano Quibiran delivery rider at residente ng Taguig City.

Base sa ulat alas-7:30 ng gabi nangyari ang pagpupuslit sa loob ng searching area na idideliber ng suspek at nang inspeksyunin ng jail guard ang dala-dalang ulam, nadiskubre ang 30 plastik na sachet na naglalaman ng shabu.

 Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected]