Saint John Paul II blood relic veneration binuksan ng Cathedral

Saint John Paul II blood relic veneration binuksan ng Cathedral

October 20, 2022 @ 6:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bubuksan ng Manila Cathedral sa Intramuros, Manila para sa public veneration ang blood relic ni Pope St. John Paul II.

Sa isang post sa social media noong Huwebes, sinabi ng Minor Basilica at Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception na ang mga mananampalataya, lalo na ang mga deboto ng santo, ay papayagang mag-venerate sa blood relic mula Oktubre 21 hanggang 23 mula 7 a.m. hanggang 6 p.m.

Idinagdag ng Manila Cathedral na ang mga misa ay gaganapin sa loob ng tatlong araw – dalawa sa Biyernes, alas-7:30 ng umaga at 12:10 ng gabi; isa sa 7:30 a.m. sa Sabado para sa Araw ng Kapistahan ni St. John Paul Il; at tatlo sa Linggo ng 8 a.m., 10 a.m., at 6 p.m. RNT