Saint Paul Dumaguete grad topnotcher sa November 2022 Nurse Licensure exams

Saint Paul Dumaguete grad topnotcher sa November 2022 Nurse Licensure exams

November 30, 2022 @ 7:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate mula sa Saint Paul University – Dumaguete sa November 2022 Nursing Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules.

Nakakuha s Abigail Garganta Ramirez ng pinakamataas na percentage rating na 90.00 sahalos 190 graduates na napasama sa Top 10 list.

Inanunsyo ng PRC na18,529 sa 24, 903 ang nakapasa sa pagsusulit na pinangasiwaan ng Board of Nursing Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga nitong buwan.

Pasok din ang 28 paaralan bilang top performing schools na mayroong hindi bababa sa 50 o higit pang examinees na nakakuha ng hindi bababa sa 85% passing percentage. RNT/SA