Sakaling malugi, P75B pondo ng LBP, DBP na inilagak sa Maharlika funds, aakuin ng taxpayer

Sakaling malugi, P75B pondo ng LBP, DBP na inilagak sa Maharlika funds, aakuin ng taxpayer

February 2, 2023 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sasaluhin ng tax payer o mamamayan ang anumang halaga ng pondong malulugi sa malalaking bangkong pag-aari ng pamahalaan sakaling malugi ang Maharlika Investment Corporation (MIC) na isinusulong ng administrasyon.

Ganito ang direktang pagtugon ni National Treasurer Rosalia de Leon sa ginanap na unang pagdinig sa paglikha ng MIC ng Senate committee on banks, financial institutions ang currencies na pinamumunuan ni Senador Chiz Escudero.

Sa kanyang pagtatanong sa naturang pagdinig, kinuwestiyon ni Senador Sherwin Gatchalian ang DBP na magdadala ng panganib sa pamumuhunan habang tinutukoy ang position paper ng bangko na nagmumungkahi na anumang pondong ipinuhunan ng government financial institutions (GFIs) dapat “zero-risk weight.”

Nakatakda din sa position paper ng DBP na nagsasabing anumang pondong ipupuhunan ay hindi dapat kakaltasin sa regulatory capital ng GFIs sa computation ng applicable risk adequacy ration base sa manual regulation for banks ng Bangko Sentral ng Pilipinas.”

“Kaya sino ang aako dito? Ang taxpayer” tanong ni Gatchalian.

“Ultimately, (Sa huli),” ayon kay De Leon.

Sa ilalim ng MIF bills, kukunin ng Kongreso ang P50 bilyong kapital sa sovereigh welat fund sa Land Bank of the Philippines and P25 bilyon naman mula sa DBP.

Bukod pa rito ang kikitain ng BSP sa loob ng dalawang taon at iba pang kompanyang pag-aari ng gobyerno tulad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at iba pa. Ngunit hindi naman kukuha ng anumang pondo mula sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

Ipinaliwanag ni DBP vice president Rodrigo Jesus Mantaring na dapat exempted ang GFIs sa risk upang matiyak na hindi maapektuhan ang ipinuhunan nito sa abilidad na ipatupad ang mandato na magpautang ng salapi.

Pero, ayon kay Gatchalian, masyadong unfair ang ganitong posisyon dahil hindi risk-free ang MIF.

“But it’s not fair because all investments has risks and we cannot just isolate you from risk because this is an investment vehicle so there’s upside and downside,” ayon kay Gatchalian.

“Number two, assuming this is carried, then it will affect the stability of the bank because you, again, are not reflecting the true risk of the investment. You are not reflecting the true quality of the investment,” dagdag niya.

Sinabi ni Gatchalian na magmimistulang “bad practice” kung hindi ituturing ng GFI na “risk-free” ang MIF dahil may “certain amount of risk” na sangkot dito.

“We have to be reflective of what we want to do and this type of funds– and I saw the portfolio… it is not completely risk-free,” ayon kay Gatchalian.

“That’s another point that we have to look at. Who bears the risk at the end of the day,” giit niya.

Sa kanyang pagtatapos, ipinanukala ni De Leon na dapat lumikha ng risk management unit at bubuo ang board of directors ng investment strategy upang matiyak na may “good performance of the investments of the funds.”

“There are also penal sanctions against fraud and underperformance of those who are running the fund. So there are a lot of safeguards to ensure that the fund will be viable,” aniya.

Ngunit, pinuna naman ni Senador Risa Hontiveros ang “nakakamanghang” mababang parusa laban sa sinumang lalabag sa patakaran ng MIF.

“‘Yung penal provision, ridiculously napakababa considering na ‘yung Maharlika Investment Fund magha-handle ng billions of pesos,” aniya.

“Ni walang forfeiture of ill-gotten wealth in favor of the government, walang perpetual disqualification from public office for offenses committed by government officials na bahagi ng [Maharlika Investment Corporation] board. Likewise, walang provision sa event na ‘yung funds invested ay gamitin sa money laundering,” dagdag niya.

Partikular na tinukoy ni Hontiveros sa MIF Bill na sinumang gagamit sa pondo ng kompanya na may panlolokko o gumawa o nagtago ng pangungurakot na parurusahan lamang ng p100, 000 hangang P5 milyon at sinumang director o opisyal na nangunsinti sa graft and corrupt practices na ginawa ng board of director ay parurusahan ng multa mula P500,000 hanggang isang milyong piso lamang.

“Kabaliktad niyan, sa Plunder Act enacted in 1991 amended in 1993, ito po tungkol sa pag-amass ng ill-gotten wealth sa aggregate amount ng P50 million, punishable ng reclusion perpetua, forfeiture of ill-gotten wealth in favor of government, and perpetual disqualification from public office,” aniya.

“Bakit po napakababa ng proposed penalties dito sa napakalaking ipinapangarap ng Maharlika Fund,” aniya. Ernie Reyes