Sakit ni Nora, natukoy na!

Sakit ni Nora, natukoy na!

June 24, 2022 @ 8:05 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Marami pa rin talaga ang nagmamahal kay Nora Aunor.

Matagal-tagal din siyang nailipat sa regular room mula sa,Intensive Care Unit.

Ayon sa mga sumuri sa Superstar, pulmonary disease ang sakit na na-diagnose sa kanya.

Marami ang nagtatanong kung tulad din ba ‘yon ng sakit ni Dolphy, ang COPD o chronic obstructive pulmonary disease.

Ito kasi ang ibinalita sa online show nina Lolit Solis at Mr. Fu.

But thank God,,nakalabas na ng ospital si Nora at nagpapagaling sa bahay.

Balitang halinhinan kung magbantay ang kanyang mga anak, bagay na ipagkakapuri sa mga ito.

Sabi nga, it’s payback time.

Oras na para suklian naman ng mga anak ni Nora ang mga ginawa nitong sakripisyo sa kanila.

Kung tutuusin nga raw, maaari nang magretiro si Nora sa showbiz pero hinahanap-hanap siyempre nito ang propesyon kung saan siya nakilala.

Payo nga lang sa kanya is to take care of her health.

Malayu-layo pa raw ang lalakbayin ni Nora sa industriyang kumilala sa kanya bilang Pambansang Alagad ng Sining.

No question about that. Ronnie Carrasco III