SALAMAT AT SA MULI

SALAMAT AT SA MULI

January 4, 2023 @ 11:18 AM 1 month ago


SALAMAT Panginoon, at naitawid namin ang 2022! Nasa likod na namin ang mga hamon, hirap at pagdurusa.    Nakaharap naman kami ngayon sa pag-asa, pag-sibol at pag-unlad.

Bagama’t marami at patong-patong ang mga problema sa lipunan at sa personal, sigurado ako na mas maganda, mas matiwasay at mas makulay ang 2023 para sa aming lahat. Salamat sa aking mga mahal sa buhay, sa pamilya ko at mgakaibigang patuloy na nagbibigay lakas at inspirasyon sa akin.

Sa pagmamahal at tulong na binibigay n’yo, damang-damako ang tunay na kahulugan ng pagiging isang buo at masayang pamilya. Napakaswerte ko pa rin na kabilang ako sa isang tahanan na punong-puno ng aruga at kagiliwan.

Salamat sa oras ng buhay at kalusugan.  Patuloy pa rin talaga ang buhay.   Hindi pa tuluyang nawawala ang coronavirus disease-2019 pero unti-unti, natututo na tayong mamuhay na kasama ang virus na ito.

Nito nga lang nagdaang Pasko, tinamaan pa rin kami ng  COVID-19 sa bahay.   Pero para na lang s’yang matinding trangkaso.   Kaya para mas umayos ang2023, dapat magpabakuna at booster shots ang mas maraming Pilipino, at mag-mask pa rin.

Salamat sa lahat ng blessings na mga materyal at pinansyal napagpapala. Salamat sa mga patuloy na naka-alala.  Sa panahon nahumihina ang ekonomiya at marami ang nagtitiis sa mga mahal na bilihin, kahit paano ay nakatatawid, kahit gaano kagipit.

Totoo naman na ang kaligayahan ay hindi galing sa mga bagay o sa pera lamang.   Pero malaking tulong na din na hindi natin masyadongpinoproblema kung saan huhugot ng pambili ng gamot o kaya naman ay ‘pag merong emergency sa pamilya.  Sana naman,   hindi nga mangyari, pero mabuti na rin ang handa. Panghuli, salamat din sa 2022 at naging bahagi ako ng isangnapakagandang karanasan.

Salamat sa pagkakataong makapaglingkod sa ating mga kababayan. Salamat at natuto akong sumama, mag-ambag at idagdag ang boses ko saisang pagkilos para sa magandang bukas at kailangan manindigan para magbigay liwanag sa gitna ng dilim.  Na may pag-asa na umangat ang buhay ngl ahat kung magiging tapat ang mga naninibilhan.   Tama ang desisyon kong yon.  At walang atubilin guulitin ko yon, kung manawagan muli.