Salary Grade 15 entry-level pay inihirit ng teacher’s union

Salary Grade 15 entry-level pay inihirit ng teacher’s union

October 4, 2022 @ 6:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Halos 50,000 National Capital Region public school teachers ang nanawagan na itaas ang entry-level salaries mula Salary Grade 11 sa Salary Grade 15.

“The overworked, underpaid and under-supported state of our teachers and education workers sits at the core of the learning crisis and serves as a major roadblock to education recovery,” ayon sa ACT NCR teachers union sa kanilang petisyon na isinumite sa  House of Representatives Appropriations Committee nitong Martes.

“It only serves the best interests of the education sector and the nation as a whole to uplift the conditions of our teachers and education support personnel by granting them significant and just salary upgrading and increase.”

Inihayag ng teachers union na matagal nang napag-iwanan ng ibang propesyon ang salary level ng mga guro, gaya na lamang ng mga nurse at uninformed personnel, habang nababalewala sa pagpapatupad ng mga buwis at mandatory contributions ang pay adjustments na ipinatupad sa mga nakalipas na taon.

“While take home pay of teachers and education support personnel can hardly support their families’ needs, these are further drained by out-of-pocket expenses for teaching and classroom needs,” dagdag nila.

Bukod sa pagtataas ng entry-level salary ng public school teachers mula Salary Grade 11 sa Salary Grade 15, isinusulong din ng mga guro ang mga sumusunod na reporma:

  • Pagtataas sa entry-level salary ng instructors sa local at state universities and colleges mula Salary Grade 12 sa Salary Grade 16 at pagpapatupad ng upgrades para sa iba pang posisyon;

  • Pagkakasa ng minimum salary ng private school teachers sa P30,000 kada buwan at

  • Pagtatalaga ng national minimum living wage na Salary Grade 1 education workers sa government at education support personnel sa private schools.

“President Ferdinand Marcos Jr. has promised in his electoral campaign to take care of the welfare of teachers and of the whole education sector once elected in office. We urge the current administration to alleviate our teachers and education support personnel of their crippling economic hardships,” patuloy nila.

Nauna nang ihayag ng Education Department, na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, na pinag-aaralan nito ang paggawad ng non-financial benefits, gaya ng health insurance, sa mga guro. RNT/SA